Isang araw, naramdaman ni Johanna Ramos, 54, na may sumakit sa kanyang batok. Maya-maya ay dumaloy ang sakit pababa sa kaliwa niyang braso. Agad na pumunta si Johanna sa emergency room ng isang kilalang ospital sa Alabang. Kinakabahan kasi siya baka atake na ito sa puso.
Sa ospital, pina-ECG siya upang suriin ang kanyang kalagayan. Pagbalik ng kanyang resulta, normal ito at wala siyang problema sa puso. “Naipit ang ugat mo sa leeg, ” wika ng doktor.
Katawan title=Ugat Sa Binti: Sanhi, Sintomas At Paraan Para Mawala Ito style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcToskHGQ-zEr520SNIqQKm5MkLGdiRF-GYFjLq0gPb8EEQX0BizH2Zo_YGBFyC8UvUE6uw&usqp=CAU'; />
Natuwa si Johanna dahil wala pala siyang problema sa puso—ngunit sa kabilang dako ay nahirapan din siya, dahil sa patuloy niyang iniindang sakit. Marami siyang sinubukan na paraan upang mapawi lamang ang sakit. Nagpunta siya sa
Namamagang Mga Ugat Sa Binti O Varicose Veins, Alamin Kung Paano Malulunasan
Makalipas ang apat na taon, patuloy pa din na naghahanap si Johanna ng solusyon sa kayang naipit na ugat. Hanggang sa isang araw, narinig niya sa radyo si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, ang pangulo ng Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG) na nagsasalita tungkol sa tradisyonal na Hilot. Naging interesado si Johanna at nagpa-iskedyul ng appointment upang subukan ang Hilot para sa kanyang ipit na ugat.
“Noong araw pagkatapos kong magpahilot, may konting kirot pa, ” kuwento ni Johanna. “Ngunit nung sumunod na araw, nawala na yung sakit! Parang nagdahilan lang ako!” natutuwang wika niya.
“Tatlong linggo na ang nakalipas mula noong nagpahilot ako, ” dagdag niya, “pero hindi pa rin bumabalik yung sakit. Ito na yung pinakamahabang panahon na hindi ko naramdaman ang sakit na dulot ng naipit kong ugat.”
Ano Ang Gagawin Sa Naipit Na Ugat?
na siya ring albularyong nagturo sa manghihilot na naghilot kay Johanna, “pag sinabing ipit na ugat, ang pinag-uusapan natin ay hindi yung ugat na dinadaluyan ng dugo, kundi yung nerve, kung saan dumadaloy ang kuryente sa katawan.” (Ngunit dahil ito ang madalas na ginagamit na katawagan ng mga Pinoy, “ugat” ang gagamitin natin dito.)
Ay dahil sa mga napinsalang laman o muscle. “May hangganan ang kakayahan ng muscles natin, ” paliwanag niya. “Pag lumampas ka sa kakayahan ng muscles mo—halimbawa, kapag nagbuhat ka ng masyadong mabigat, o may inabot ka na masyadong malayo, o kahit natulog ka ng mali ang posisyon—nahihila ang mga muscles at naaapektuhan ang mga ugat.
“Madalas, ” pagpapatuloy ni Dr. Fajardo, “hindi agad napapansin ng tao ito, lalo kapag wala siyang sakit na nararamdaman. Kaya patuloy niya ginagamit ang apektadong muscles at ang mga ito ay lalong napipinsala. Pero kalaunan, naninigas na ang muscles niya at dun na niya nararamdaman ang sakit— dahil kasabay ng pagtigas ng muscles ay naiiipit ang ugat.”
Decompression Therapy Para Sa Nakulong Na Sciatic Nerves
Sa kuwento ni Johanna, naaalala niya na minsan ay may nahila siyang muscle habang siya ay nag-aayos ng mga halaman sa kanyang hardin.
Una sa lahat, payo ni Dr. Fajardo na dapat ipahinga ang mga apektadong muscle at ingatan na huwag lumala ang pinsala sa mga ito. Aniya, dapat din wag lagyan ng yelo o kahit anong malamig, dahil maninigas ang muscles at lalong maiipit ang ugat.
Upang mawala ang pagkaipit, payo ni Dr. Fajardo na tumungo sa isang magaling at bihasang manghihilot (yung tunay na manghihilot po talaga, hindi po yung nasa
Yes, I'm Still Here. On Tumblr
) dahil mahahanap niya kung nasaan ang ipit at maaayos niya ito. Upang mapabilis ang paggaling, maari ding kumuha ng dahon ng tuba-tuba o di kaya’y dahon ng ikmo, pahiran ito ng kaunting langis ng niyog, initin, at ilagay sa apektadong bahagi magdamag. (Kung may masakit pa kinabukasan ay pwede itong ulitin).
“Pagkatapos ng Hilot, kapag ang mga muscle ay naibalik na sa ayos, ” wika ni Dr. Fajardo, “karaniwang nagkakaroon ng tinatawag na healing crisis, kung kailan mararamdaman pa rin ang sakit o di kaya’y pakiramdam na parang nabugbog. Ngunit pagkaraan ng ilang araw, mawawala na ito at mawawala na din ang pagkaipit ng iyong ugat.”

Katulad ng anumang problema sa kalusugan, pinakamabuti pa din ang wastong pag-iingat sa sarili upang hindi na makaranas ng masakit na pagkaipit ng ugat.
Tamang Alaga Para Sa Pananakit Ng Tuhod, Binti, At Paa
“Dapat matuto tayong makinig sa ating katawan, ” payo ni Dr. Fajardo. “Alamin natin ang kakayahan ng ating katawan at ingatan natin na huwag tayong sumobra dito. At siyempre, dapat panatilihin nating malakas at malusog ang ating katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.”
Ngunit kung sa kabila ng pag-iingat mo ay naipitan ka pa din ng ugat, tandaan na maari mo ring gawin ang ginawa ni Johanna—at sumangguni sa magaling na manghihilot upang ibalik sa ayos ang iyong kalamnan.
Naipitan ka ba ng ugat at nais mong subukan ang tradisyonal na Hilot? Tumawag po lamang sa Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG) sa (0922) 884 4568 or (02) 267 4012 para sa dagdag kaalaman at sa pagpaskedyul ng appointment.We use cookies to ensure that we give you the best experience on our website. By continuing, to browse our site, you are agreeing to our use of cookies.
Bakit Kaya Nangingimay, Namimintig O Namamanhid Ang Mga Kamay At Paa
Bawat pananakit, pamamaga, o pamamanhid ng paa, binti, at tuhod ay maaaring senyales ng mas malalim na health condition. Alamin dito kung paano alagaan ang mga parteng ito para makaiwas sa komplikasyong dala ng mga sakit.
Maraming pwedeng kondisyon ang nagdadala ng iba’t ibang uri ng pananakit ng binti at tuhod maging sa paa. Ating talakayin ang mga sakit na ito batay sa mga sintomas na pinaka-kapansinpansin sa kanila.

Ang ay maaaring sanhi ng injury o ‘di kaya naman ay arthritis o rayuma. Para sa posibleng injury, pwedeng nakuha ito sa sprained ligaments o ang pagkapilay ng mga litid. Kung dati namang may knee injury na hindi na-treat nang tama, maaaring ito ang nagsasanhi ng pananakit ng tuhod.
Mga Natural Na Gamot O Lunas Sa
Bukod dito, pwede ring dala ng isang uri ng arthritis ang , gaya na lang ng ostheoarthritis o ang pinakaunang sanhi ng knee pain sa mga taong edad 50 pataas. Sa kondisyong ito sumasakit ang tuhod kapag may ginagawang physical activity.
Kadalasan, ang pananakit naman ng binti ay dala ng labis na paggamit dito o sa mga natamong pinsala sa joints, bones, muscles, ligaments, tendons, at iba pang leg tissues. Maaari ring galing sa blood clots o pamumuo ng dugo, varicose veins, o ‘di-maayos na blood circulation ang nararanasang leg pain.
Maaaring magmula sa iba’t ibang bahagi ng paa ang pananakit nito. Kung nasa heel o sakong ang sakit, maaaring ito ay plantar fasciitis, ang inflammation ng tissue na nagdudugtong sa heel bone papunta sa mga daliri ng paa. Kadalasan itong nararanasan pagkagising sa umaga. May tinatawag ding heel spurs na sanhi ng abnormal na paglaki ng mga buto sa ilalim ng sakong dahil sa pagsuot ng mga sapatos na hindi angkop para sa activity gaya ng running. Masakit ito lalo na kapag nakatayo.
Shop Gamot Sa Ugat Online
Kung nasa bukong-bukong naman ang sakit, maaaring ito ay metatarsalgia na nakukuha sa pagsuot ng masisikip na sapatos o kaya naman ay sa labis na pagtakbo o pagtalon.
Gout naman ang kadalasang sanhi ng pananakit sa mga daliri ng paa. Ito ang isang uri ng arthritis na nakukuha kapag labis ang taas ng level ng uric acid sa katawan.

Ang pamamaga sa tuhod na tinatawag na knee effusion o tubig sa tuhod ay maaaring dala ng knee ostheoarthritis, knee bursitis, o ng minor injury. Ang knee ostheoarthritis ay hindi lamang sinasamahan ng pamamaga, kundi pati na rin ng stiffness o paninigas. Dahilan ito para mahirapan ang pasyente na igalaw ang tuhod. Dahil sa pagkasira ng ilang litid o kaya naman ay tissue sa tuhod dahil sa labis na paggamit nito, nagsasanhi ito ng friction sa pagitan ng mga buto. Ito ang nakakapagpamaga ng tuhod.
Mga Dapat Malaman Sa Pananakit Ng Bukung Bukong (ankle Pain)? |
Sa knee bursitis naman, ang bursae na parte ng tuhod malapit sa knee joint ay namamaga dahil sa labis na pagluhod, physical activity, malakas na impact sa tuhod, bacterial infection, at maging osteoarthritis.
May dalawang major na dahilan kung bakit nagkakaroon ng pamamaga sa mga binti. Una, maaaring sanhi ito ng fluid buildup o edema. Nangyayari ito kapag ang blood vessels o mga ugat at tissues sa binti ay nag-iimpok ng labis na fluid. Maaaring galing ito sa maghapong pagtayo o pag-upo, sa pagiging overweight, o kaya naman ay sa kakulangan sa exercise. Kailangan itong ma-monitor dahil baka mas malalim na medical condition ang sinesenyas nito gaya ng congenital heart failure.
Dahilan din para sa pamamaga ng binti ang injury gaya ng pagkabali ng buto o pagkapunit ng tendon o kaya naman ay litid. Natural na response ng katawan sa mga ito ang pamamaga. Nakakamaga rin ng binti ang muscle pain.
Gamot Sa Naipit Na Ugat Sa Kamay
Kadalasang namamaga ang paa kapag nakatayo o naglalakad sa loob ng mahabang oras. Kung wala namang kasamang iba pang sintomas ang pamamaga ng paa, marahil ay dala lang ito ng pagod. Kung ang pamamaga naman ay dala ng pagbubuntis, maging maingat dahil baka ito ay dahil sa preeclampsia, ang pagkakaroon ng high blood pressure. Ito ay delikado kaya bantayan ang mga sintomas nito gaya ng sakit ng tiyan, sakit ng ulo, at paglabo ng paningin.
Posible ring ankle o foot injury ang nagdulot ng pamamaga sa paa. Kilala sa tawag na balinganga o sprained ankle, ang pagkakamali ng hakbang ay nagsasanhi para sa mga litid na kumakapit sa ankle na ma-stretch lagpas sa kadalasang haba ng mga ito. Dahil dito nagkakaroon ng pamamaga.

Isa lamang ang madalas na nakikitang dahilan ng pamamanhid ng paa, tuhod, binti o iba pang bahagi ng katawan na madalas ay iginagalaw - ang nerve pressure o fatigue. Kapag matagal na nakaupo o nakatayo, maraming napupuntang