Gamot sa Pamamaga ng Ulo: Sanhi at Kalusugan

Game News Maniacontact fiverr/MuhammudAbuOntricky
Please wait 0 seconds...
Scroll Down and click on Go to Link for destination
Congrats! Link is Generated
Gamot sa Pamamaga ng Ulo: Sanhi at Kalusugan

Pabalik-balik ba ang pananakit ng iyong ulo? Baka mali ang iyong iniinom na gamot. Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa iba’t ibang uri ng sakit sa ulo.

Isa sa mga sakit na pinakamahirap para sa ating mga magulang ay ang headache o sakit ng ulo. Kumpara kasi sa pananakit sa ibang parte ng katawan, kapag ang ulo ang sumakit, apektado ang iyong pag-iisip at mahirap kumilos sa buong araw.

Alaxan®Pamamaga Ng Ulo Sanhi At Kalusugan title=Alaxan® Tablet And Alaxan® FR Capsule style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcS5OGGdypHI0eCsfkh2XxPQcLk5frcTjz-21HF-t2XVEF88f9u0y7MrBkMuW5HB3fjo1JU&usqp=CAU'; />

May mga taong nakasanayan nang tiisin ang kanilang sakit sa ulo, subalit sa halip na indahin, dapat ay bigyan agad ng lunas ito para hindi tumagal.

Bukol Sa Leeg: Sanhi, Gamot At Lahat Ng Kailangan Malaman

Para malaman ang tamang lunas sa sakit ng ulo, importante ring alamin ang iba’t ibang uri ng sakit sa ulo at mga posibleng sanhi nito.

Bagama’t ang sanhi ay partikular sa uri ng sakit sa ulo na ating nararamadaman, narito naman ang mga karaniwang sanhi ng sakit ng ulo sa karamihan:

Kasama rito ang mga infection gaya ng sipon, trangkaso at lagnat. Karaniwang ding sumasakit ang ulo ng mga taong may sinusitis, impeksyon sa lalamunan at tenga.

Ano Ang Tmj Disorder?

Kapag stressed ang isang tao, madalas mong marinig na sumasakit ang ulo niya. Hindi ito isang expression lang. Talagang nakakapagdulot ng sakit sa ulo ang emotional stress at iba pang mental health issues gaya ng depression at anxiety.

Gayundin, posible ring magdulot ng sakit ng ulo ang pag-inom ng alak, hindi pagkain sa tamang oras, kulang sa tulog at pag-inom ng masyadong maraming gamot.

Ayon sa WebMD, kapag ang kaniyang nanay at tatay ay parehong may migraine, 70 porsyento ang posibilidad na magkaroon din nito ang isang bata. Kapag isa lang naman sa magulang ang may migraine, bumababa ito sa 25 hanggang 50 porsyento.

Gamot Sa Pamamaga Ng Upper Eyelid Sa Bata At Matanda

Bagama’t hindi pa natutukoy ng mga doktor ang eksaktong sanhi ng migraines, may isang teorya na nagsasabing ang electric charge sa mga nerve cells ang nagsasanhi nito.

Para mas madaling intindihin, hatiin nating ang mga uri ng sakit sa ulo sa dalawang grupo. Ang mga common o mas pangkaraniwang sakit ng ulo at ang mga hindi pangkaraniwang sakit ng ulo.

Ayon sa WebMD, mayroong higit sa 150 uri ng sakit sa ulo. Pero narito ang mga mas karaniwan at mas madalas nating maranasan:

Kalusugan Sa Paghinga

Ito ang pinakakaraniwang sakit ng ulo na nararanasan ng mga teenager at matatanda. Maaaring makaranas ang tao ng paninikip sa bahagi ng kaniyang ulo na maaring umabot sa kaniyang leeg.

Nagsisimula ito nang banayad lang pero maaaring lumala kapag hindi nalunasan. Kadalasan, wala rin itong kasamang ibang sintomas. Sinoman ay maaaring magkaroon ng tension headache. Kadalasang dulot ito ng stress.

Inilalarawan naman ang migraine bilang pamimintig na sakit ng ulo. Maaari itong tumagal ng 4 na oras hanggang 3 araw at pwedeng mangyari ng isa hanggang 4 na beses sa isang buwan.

Pagkahilo At Pagsusuka: Mga Sanhi At Gamot

Kasabay ng sakit ng ulo, mayroon itong kasamang ibang sintomas gaya ng pagiging sensitibo sa liwanag, ingat at amoy. Maaari ring makaramdam ng pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan.

Kadalasang ang sakit ng ulo na ito ay nararamdaman sa isang bahagi lang ng ulo. At dahil sa tindi ng pananakit ng ulo dulot ng migraine, maaaring malimitahan nito ang iyong abilidad na gumawa ng mga pang araw-araw mong gawain.

Ang ilang migraine headaches ay may kaakibat na visual disturbances. Tinatayang nasa 1/3 ng mga tao na may migraine ang nakararanas ng ganitong sintomas bago umatake ang sakit sa ulo. Tinatawag na migraine aura ang visual distrubances na ito.

Pananakit Ng Batok At Likod Ng Ulo: 12 Posibleng Sanhi At First Aid

Maaari ring magdulot ng pagkamanhid ng isang bahagi ng mukha o braso at hirap sa pagsasalita ang migraine aura. Kadalasang hereditary o namamana ang migraine, pero maaari ring dulot ito ng iba pang nervous system conditions.

Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng migraine ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Maging ang mga taong may post traumatic stress disorder (PTSD) ay may mataas na risk din ng pagkakaroon ng migraine.

BASAHIN: 8 sintomas na maaaring dulot na pala ng sakit sa puso 10 palatandaan na malapit ka nang reglahin at ang maaari mong gawin Ano ang pinagkaiba ng trangkaso at sipon? 7. Cluster Headaches

Gawain 1 Narito Ang Ilan Sa Mga Sakit Na Nakaraniwang Ginagamitan Ng Gamot Upang Malunasan At Gumaling Ang

Ito umano ang pinakamatinding uri ng sakit sa ulo. Inilalarawan ito ng pagkakaroon ng matinding sakit na parang mahapdi o tumutusok sa bandang likod ng mata.

Sakit

Maaaring ito ang namimintig o nawawala at bumabalik, o manatili lang ang sakit ng matagal. Sa sobrang tindi ng sakit, ang mga taong nakakaranas nito ay hindi nakakapirmi sa isang lugar.

Sa bahagi ng ulo kung saan nararamdaman ang sakit, maaaring bumagsak ang talukap ng mga mata, mamula ang mata, lumiit ito at magluha.

Gamot Sa Sakit Ng Ulo

Maaari ring makaranas ng pagtulo ng sipon o pagbabara ng ilong. Karaniwang sintomas din nito ay ang pamamaga, pamumula, at pag-init, at pagpapawis ng bahaging apektado ng sakit ng ulo.

Tinawag itong cluster headaches dahil nangyayari ito ng magkakagrupo. Maaari itong maranasan 1 hanggang 3 beses sa isang araw na magtatagal mula 2 linggo hanggang 3 buwan.

Bawat attack o pagsakit ay maaring tumagal ng 15 minuto hanggang 3 oras. Maaari kang gisingin ng sakit mula sa iyong pagtulog.

Sakit Sa Puso

Gayundin, puwedeng mawala ang cluster headaches ng ilang buwan o taon, at bumalik lang bigla. Remission ang tawag dito ng mga doktor. Mas karaniwan raw ang ganitong uri ng sakit ng ulo sa mga kalalakihan.

Maaaring magkaroon ng pananakit ng ulo ng 15 araw sa loob ng isang buwan o mahigit pa. Ang episodes o attack ay maaaring maiksi lang, pero pwede ring tumagal ng 4 na oras. Sa mga ganitong kaso ng sakit sa ulo, kailangang sumailalim ang pasyente sa pain management plan.

Sa ganitong uri ng sakit sa ulo, makakaranas ka ng pananakit sa iyong pisngi, noo at buto sa ilong. Nangyayari kasi ito kapag namamaga ang iyong sinuses.

Mga Natural Na Panglunas Sa Bahay Para Sa Pananakit Ng Ulo: Mabilis Na Mga Tip At Trick

Kadalasan, may kasama itong sipon, pananakit ng tenga, lagnat at pamamaga ng mukha. Kung ang sakit ng ulo ay dahil sa sinus infection, ang kulay ng iyong sipon ay yellow o green, kumpara sa clear o walang kulay na discharge kapag may migraine.

Ang ganitong uri ng sakit ng ulo ay maaring magsimula 2 hanggang 3 araw pagkatapos ng isang head injury. Narito ang mga maaari mong maramdaman:

Uri

Maaaring magtagal ang pananakit ng ulo ng ilang buwan. Pero para makasiguro, kumonsulta sa iyong doktor hindi ito bumuti sa loob pa lang ng 2 linggo.

Sugat Sa Ulo Ng Bata, Dahilan At Paano Malulunasan

Kilala rin ito sa tawag na exertion headaches.Kung ikaw ay aktibo, ang mga muscles sa iyong ulo, leeg at maging sa scalp ay nangangailangan ng mas maraming dugo kaya gumagawa ng blood vessels ng mas marami nito.

Bilang rseulta, maaaring makaramdam ng pamimintig sa gilid ng gulo sa loob ng 5 minuto hanggang 48 oras. Kadalasan, umaatake ito habang ikaw ay nag-eehersisyo o nakikipagtalik.

Ang Hemicrania continua ay isang matindi at tumatagal na uri ng sakit ng ulo na umaatake lang lagi sa isang bahagi.Tumatagal ng tatlong buwan o higit pa ang sakit sa ulo na ito. Maaari ka ring makaramdam ng pagtaas ng instensidad ng sakit kada araw.

Migraine: Pananakit Ng Mata At Sintido

Maaari ring sumakit ang iyong ulo kapag nagbabago ang hormones sa iyong katawan sanhi ng iyong monthly period, pagbubuntis o menopause. Puwede rin itong mangyari kapag gumagamit ka ng birth control pills.

Kung ang pagsakit ng ulo ay nangyayari 2 araw bago ang iyong period o 3 araw matapos ang pagsisimula nito, tinatawag itong menstrual migraines.

Ang uri ng sakit ng ulo na ito ay maaaring magsimula nang biglaan at magtagal araw-araw sa loob ng 3 buwan o higit pa.

Halamang Gamot Sa Bukol

Bagama’t hindi rin matukoy ng mga doktor kung bakit nangyayari ito, napansin ng ibang nagkaroon nito na nagsimula ang pananakit ng kanilang ulo pagkatapos ng isang infection, trangkaso, surgery o malungkot na pangyayari.

Iba-iba rin ang sintomas ng ND. Para sa ilan, para itong tension headache. Ayon naman sa iba, may kasama itong pagduwal at pagiging sensitibo sa liwanag.

Ang uri ng sakit ng ulo na ito ay matindi subalit nagtatagal lang ng ilang segundo. Maaari silang mangyari ng ilang beses sa isang araw.

Gamot

Sinusitis: Sanhi, Sintomas, At Gamot

Uri ito ng sakit ng ulo na tila makakaramdam ka ng single stab o multiple stabs nang sunod-sunod. Kadalasan ay tila lumilipat-lipat sa iba’t ibang bahagi ng ulo ang pananakit.

Kung makakaranas ng ganitong klase ng sakit ng ulo, kailangan agad kumonsulta sa isang doktor dahil maaaring sintomas ito ng mas seryosong sakit.

Kumonsulta rin sa iyong doktor kung magkakaroon ng sakit ng ulo pagkatapos mong sumailalim sa spinal tap, spinal block o isang epidural.

Health Tips Research

Kapag nag-leak ang spinal fluid mula sa puncture site habang isinasagawa ang mga nabanggit na procedure, maaari itong magdulot ng pananakit ng ulo.

Maaari mong maramdaman ang sakit sa ulo sa iyong batok, noo, taas na bahagi ng leeg, at likod ng ulo. Ang iba pang sintomas ng spinal headache ay ang mga sumusunod:

Ayon sa mga nakakaranas nito, ito na ang pinakamatinding sakit ng ulo na mararanasan mo sa buong buhay mo. Bigla lang itong mangyayari at mararamdaman mo agad ang matinding sakit sa loob lang ng 1 minuto, at maaaring tumagal hanggang 5 minuto. Maaaring sanhi ito ng seryosong kondisyon na nangangailangan ng madaliang atensyong medikal.

Sintomas At Paggamot Sa Sinus Headache: Paghahanap Ng Ginhawa

Pero makakatulong din ang pain relief medication para mabawasan ang pananakit. Para maiwasan ang lalong pagsakit ng ulo dala ng labis na paggamit ng gamot, sundin nang maigi ang payo ng doktor kung kailan at gaano kadalas iinumin ang gamot.

Para sa mga hormone headaches, maaari kang bigyan ng gamot para sa iyong hormones, o patigilin ang paggamit ng birth control pills.Gagawa ang

Getting Info...

إرسال تعليق