Paano Mawala ang Pamamaga ng Ngipin: Mga Payo

Game News Maniacontact fiverr/MuhammudAbuOntricky
Please wait 0 seconds...
Scroll Down and click on Go to Link for destination
Congrats! Link is Generated
Paano Mawala ang Pamamaga ng Ngipin: Mga Payo

Maliban sa ngipin, importante rin na pangalagaan natin ang ating gilagid. Dahil kapag ito ay nasugat o namaga ay mahihirapan tayong kumain at gamitin ang ating bibig.

Bago malaman ang mga gamot sa pamamaga ng ngipin at gilagid, atin munang alamin kung ano ba ang mga sanhi o pinagmumulan nito.

GamotMawala Ang Pamamaga Ng Ngipin Mga Payo title=Gamot Sa Pamamaga Ng Gilagid style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSp0msj43ciuNmoqOy_Gtz5dY7kt4WP52SPQ9xBzCokgXO8x8hXlqWlj5xY-64VpUcGR20&usqp=CAU'; />

Ang plaque ay ang film na bumabalot sa ngipin na binubuo ng bacteria at food particles na hindi naalis sa ngipin. Kapag ang plaque ay nanatili sa ngipin ng ilang araw, ito ay nagiging tartar. Dito na nagsisimula ang pagkakaroon ng gingivitis.

Mabisang Gamot Sa Bagong Bunot Na Ngipin

Subalit marami sa atin ang hindi alam na mayroon na silang gingivitis dahil sa mild lang ang sintomas nito. Ang napabayaan at hindi nalunasan na gingivitis ay maaring mauwi naman sa seryosong kondisyon na kung tawagin ay periodontis o ang tuluyang pagkasira ng ngipin.

Ang kakulangan sa mga bintaminang gaya ng vitamin B at C ay maari ring magdulot ng pamamaga ng gilagid. Lalo pa’t ang vitamin C ang tumutulong sa maintenance at repair ng ating ngipin at gilagid.

Kung masyadong mababa ang vitamin C ng katawan, maaring magkaroon ng sakit na scurvy na nagiging dahilan naman ng anemia at gum disease.

Pamamaga Ng Mata

Ang pamamaga ng gilagid ay maaring dulot din ng pagdadalang-tao. Ito ay dahil sa pagtaas ng hormones sa katawan ng buntis kaya dumarami  ang dugo sa gilagid. Ang increased blood flow na ito ang nagiging dahilan para mas madaling mairita ang gilagid at mauwi sa pamamaga.

Dahil din sa hormonal changes na nangyayari sa katawan ng buntis, humihina ang katawan nito sa paglaban sa mga bacteria na nagdudulot ng gum infections. Isang dahilan na nagpapataas ng tiyansa ng buntis na magkaroon ng gingivitis.

Kung gagamit ka ng dentures o pustiso, o kung ano mang ikinakabit sa iyong ngipin, siguruhing tama ang sukat nito sa iyong ngipin, para maiwasang masugat ang iyong gilagid kapag ikaw ay kumakagat.

Gamot Sa Pamamaga Ng Gilagid

Kapag tumagal na ng mahigit 2 linggo ang pamamaga ng gilagid, kailangang kumonsulta na sa isang dentista. Depende sa naging sanhi ng pamamaga ang ireresetang gamot sa iyo.

Ngunit madalas, ang gamot sa pamamaga ng gilagid at ngipin ay mga oral rinses na makakatulong para makaiwas sa gingivitis at mabawasan ang plaque sa ngipin. Maaari rin niyang ipayo na gumamit ng ibang brand ng toothpaste. Sa ilang kaso, pwede ring magreseta ng antibiotics ang iyong dentista.

Kung malala naman na ang kaso ng gingivitis ay maaring kailanganin na ng surgery. Ang treatment option na karaniwang ginagawa ay scaling at root planning. Sa procedure na ito, kinakayod ng dentista ang dental plaque, tartar at diseased gums na bumabalot sa ngipin.

Gamot Sa Pamamaga Ng Ngipin At Gilagid: 10 Natural Remedies

Maliban sa medikal na paraan, mayroon ring gamot sa pamamaga ng gilagid at ngipin na maaring gawin sa loob ng bahay. Maari mong subukan  ang sumusunod na home remedies:

Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin para upang mapatay ang mga bacteria sa iyong bibig. Panatiliin ang maligamgam na tubig na may asin sa iyong bibig ng hanggang 30 segundo bago magmumog. Gawin ito 2 hanggang 3 beses sa loob ng isang araw hanggang humupa ang pamamaga.

Uminom ng maraming tubig. Ito ay para ma-istimulate ang production ng saliva at mapahina ang disease-causing bacteria sa loob ng bibig. Iwasan ang mga matatapang na mouth wash, alcohol at sigarilyo para hindi mairita ang namamagang gilagid.

Babala Na Di Dapat Ibalewala (problema Sa Kalusugan Ng Ngipin Ng Bata At Matanda)

Maglagay ng warm compress sa affected area sa mukha para mabawasan ang pananakit ng gilagid. Panatiliin ito sa masakit na bahagi sa loob ng 5 minuto. Pagkatapos, maglagay naman ng cold compress naman para humupa ang pamamaga. Ilagay rin ito sa labas ng namamagang bahagi sa loob ng 5 minuto. Gawin ang warm at cold cycle na ito 2 hanggang 3 beses sa isang araw.

Subukan ring magpahid ng turmeric gel sa iyong gilagid. Panatiliing ito sa loob ng 10 minuto. Pagkatapos ay magmumog. Gawin ito 2 beses sa isang araw hanggang mawala ang pamamaga.

Ayon sa isang pag-aaral, nakakatulong ang mga essential oil na peppermint, tea tree at thyme para mamatay ang mga bacteria sa iyong ngipin at gilagid.

Pamamaga

The 5 Best Remedies To Relieve Wisdom Teeth Swelling And Pain

Maglagay ng 3 drops ng kahit alin sa mga essential oil na nabanggit sa maligamgam na tubig at imumog ito (Babala: huwag iinumin o lulunukin). Gawin ito dalawang beses sa isang araw hanggang sa mawala ang pamamaga.

Tandaan: maaring subukan ang home remedies na ito. Subalit kung matindi na ang pananakit at pamamaga ng gilagid, kumonsulta na agad sa iyong dentista.

Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang oral care para maiwasan ang mga sakit sa ngipin at gilagid. Magsipilyo ng hindi bababa sa 2 beses isang araw. Ugaliin ring magmumog at gumamit ng dental floss.

Gamot Sa Sakit Ng Ngipin Home Remedy: 10 Mabisang Natural Remedies

Pumili rin ng mga produktong banayad sa iyong ngipin at gilagid. Kung mayroon kang sensitive teeth o gums, gumamit ng toothbrush na may soft bristles para hindi mairita ang gilagid.

Importante rin ang pagkain ng masustansya at mayaman sa nutrisyon na pagkain. Mapapatibay nito lalo ang iyong ngipin. Ugaliin rin ang madalas na pag-inom ng tubig na nakakatulong para malinis ang iyong ngipin at ang paligid nito.

Gayundin, iwasan ang mga pagkain na sumisingit sa gilid ng ngipin gaya ng popcorn at mga pagkain o inuming maraming asukal. Kung kakain o iinom nito, siguruhing magsipilyo pagkatapos.

Gamot Sa Pamamaga Ng Gilagid At Ang Dapat Gawin Para Maiwasan Ito

Kapag napansin mong may mga sintomas ka na ng gingivitis, agad na magpa-schedule ng appointment sa iyong dentista. Sa ganitong paraan maagapan ang pamamaga ng iyong gilagid. Kapag na-agapan agad ito ay makakaiwas sa pagkakaroon ng progression ng periodontitis.

Ang periodontitis ay isang seryosong gum infection na maaaring makasira ng soft tissue. Kapag walang treatment na nangyari ay maaari nitong masira ang buto sa inyong mga ngipin. Dahilan ng pagkatagal o loosen tooth.

Gamot

Tandaan, ang tamang pag-aalaga ng ngipin ay mas mabuti at mas madali kaysa sa mag gamot pa sa pamamaga ng gilagid at ngipin.

Home Remedies Sa Sumasakit Na Ngipin

Dito sa theAsianparent ilippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent ilippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!Mabisang gamot sa sakit ng ngipin o toothache ba ang hanap mo na pwedeng home remedy? Narito ang mga natural remedies na maaring makita sa loob ng inyong bahay.

Mahirap talaga kapag ang ngipin at kapag nangingilo pa ito. Ang sakit ng ngipin o sakit sa gilagid ng ngipin ay nangyayari kapag ang mga ugat sa isang ngipin o ang area sa gilid ng isang ngipin ay na-irritate.

Mga Canker Sore (singaw)

Ang impeksyon sa ngipin, pagkabulok, pagsira, o pagkawala ng ngipin ang pinaka karaniwang sanhi ng sakit sa ngipin. Maaari ring mangyari pagkatapos ng isang pagbunot ng ngipin.

Dagdag pa sa pagsakit ng ngipin, ay ang abnormal bite at grinding of teeth o ang pagkikiskisan ng mga ngipin. Napakaraming mga dahilan ang pagkakaroon ng toothache.

Mula sa mga nabanggit sa itaas, kasama din ang pagkabulok ng ngipin o ang tooth decay sa english. At ang unang dahilan nito, ay ang pagkain ng mga matatamis na pagkain, maging ang pag-inom ng mainit at malamig na tubig ay kabilang din. Sensitibo ang mga ngipin sa ganitong kaso na siyang nakakapinsala sa ating mga ngipin. 

Halamang Gamot Sa Sakit Sa Ngipin

Minsan naman makakaramdam ng pananakit ng ngipin sa ibang lugar ng bibig. Katulad na lamang sa panga, ito ang pinakaraniwang bahagi ng bibig kung saan nakakaramdam tayo ng pananakit.

-

Kasama rin sa pananakit na maaari nating maranasan ay ang pananakit ng tenga, sinus, at ilong. Nakakadagdag din sa pananakit ng ngipin kung may bacteria sa loob ng iyong bibig. Lalo na kung may bulok na ngipin. Nagiging dahilan din ito ng pananakit.

Ang pagpapabaya at hindi pag-aalaga sa ngipin ang siyang nagiging dahilan ng toothache. Ang sakit ng ngipin ay nangyayari mula sa pamamaga ng gitnang bahagi ng ngipin na tinatawag na pulp. Naglalaman ng mga nerve endings na napakasensitibo sa sakit.

Maitim Na Gilagid, Bakit Mayroon Nito?

Ang pamamaga sa sapal o pulpitis ay maaaring sanhi ng mga lukab ng ngipin, trauma, at impeksyon. Maaaring mula sa panga ang nangyayaring pananakit.

Maaari mong maiwasan ang karamihan ng mga problema sa ngipin sa pamamagitan ng flossing, brushing ng fluoride toothpaste, at propesyonal na paglinis sa iyong mga ngipin.

Nirerekomenda na gawin ito dalawang beses sa isang taon. Ang dentista ay maaaring maglapat ng mga sealant at fluoride, na lalong mahalaga para sa ngipin ng mga bata.

Dental Anesthesia Side Effects And Causes For Treatment

Ang mga advisable na over-the-counter na mabisang pain killers ay ibuprofen, aspirin, at acetaminoen. Pero ayon sa pag-aaral, pinaka mabisang gamot sa sakit ng ngipin ang ibuprofen.

Bago inumin ang alinmang nabanggit na over-the-counter na gamot sa sakit ng ngipin na capsule, siguraduhin na may reseta kung ilang beses dapat inumin ang gamot. Masama ang sobrang pag-inom ng gamot sa sakit ng ngipin na capsule lalo na ang ibuprofen.

Narito ang ilan sa mga pwedeng gamot sa ngipin na maaaring makita sa bahay o mabili sa palengke at grocery. Tandaan na mabuti pa ring isangguni sa doktor kung anong gamot sa sakit ng ngipin ang advisable.

Home

Gamot Sa Singaw

Mabisang gamot sa sakit ng ngipin ang salt water. Magmumog lang ng maligamgam na tubig na may asin hanggang sa mawala ang sakit.

Ito ay natural disinfectant

Getting Info...

Posting Komentar