We use cookies to ensure that we give you the best experience on our website. By continuing, to browse our site, you are agreeing to our use of cookies.
Ika nga nila, ang mga kuko ay tinaguriang windows to the soul. Malalaman daw ang personality ng isang tao kapag iyong inobserbahan ang kanyang mga kuko.
Solusyon title=Ano Ang Gagawin Sa Naipit Na Ugat? style=width:100%;text-align:center; onerror=this.onerror=null;this.src='https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRsQDtB3NQA434B0DpxsOR_DSYuZkr98u225boAQCwsGWGpcS-m-9FGra0NT5jSi-kLpks&usqp=CAU'; />
Ang nangangapal, deformed, mabilis mabali, natatanggal, naninilaw, o di kaya nama’y patay na kuko ay may iba’t-ibang maaaring panggalingan, nguni’t may tatlong pinakamadalas na magdulot ng mga ito:
Picurangel « Kaibigan Sa Kalusugan! (independent Distributor) « Page 3
Kung nasugatan malapit sa kuko (laceration), maaaring maging ugat ito ng pagkasira o pagkamatay ng kuko. Kung nabangga ang iyong kuko sa matigas na bagay tulad ng pinto o paa ng mesa, maaaring masira din ang puno o nail bed ng iyong kuko. Gayundin kung nadaganan ito o kaya nama’y naipit. Ang pagsusuot ng masikip na sapatos ay madalas ding magdulot ng ganitong problema. Ang impact o trauma ay madalas ding pagmulan ng black line in nails o ang tinatawag na splinter hemorrhage.
Ang pagkakaroon ng impeksyon na dulot ng fungi ay madalas na dahilan sa pagkasira ng kuko. Halimbawa na lamang ay ang paglalaba, dahil nakababad ang mga kamay sa tubig at matapang na sabon. Kung madalas kang humawak ng maruruming bagay at hindi nililinis ang mga dirty nails, maaaring kapitan ang iyong kamay ng mikrobyo o fungi, at ito ay sisiksik sa gilid ng mga kuko hanggang umabot sa nail bed, dahilan upang magkaroon ng impeksyon.
Puwede ring masira ang iyong mga kuko kung ikaw ay nakahawak ng matapang na kemikal tulad ng mga likidong panglinis, lalo na kung matagal ang exposure dito ng iyong mga kuko.
Les T: 2013
Ang kuko na may sugat o kaya’y tumama sa matigas na bagay ay maaari ding kaagad maimpeksyon kung marumi, nababad sa paglalaba, o kaya’y na-expose sa kemikal.
Kung nagtamo ng subungual hematoma, ang maaaring gawin ng isang eksperto ay butasan ng maliit ang iyong kuko upang palabasin ang dugo at mabawasan ang pressure na nagpapasakit sa iyong daliri. Depende rin sa doktor kung tatanggalin ang kuko. Kung malaki ang subungual hematoma, malamang ay tatanggalin ito. Tutubo rin ang iyong kuko matapos gumaling ang injury sa nail bed.
Kung nasugatan naman ang daliri at umabot sa nail bed, maaaring tahiin ng doktor ang laceration. Posible ring tanggalin ang kuko. Tutubo ring muli ang kuko kapag ang sugat ay magaling na.
Arthritis O Sakit Sa Buto At Kasukasuan, Rayuma: Ano Sanhi, Lunas, Pinaka Mabisang Gamot? Paano Maiwasan
Kung nagtamo naman ng nail bed avulsion, kung saan ang kuko at bahagi ng puno nito ay humihiwalay sa daliri, kailangan mo ng tulong ng isang doktor dahil dapat lamang na tanggalin ang kuko. Kung pilay ang daliri, lalagyan ito ng splint upang gumaling.
Ang fungal nail infection o onychomycosis ay dulot ng iba’t-ibang uri ng mikrobyo o fungi tulad ng mold at yeast. Nabubuhay ang mga fungi sa kapaligiran. Kung may maliit na butas o bali sa iyong kuko, maaaring pasukin ito ng mga mikrobyo, dahilan upang ito’y maimpeksyon.
Upang magamot ang fungal infection sa kuko, lumapit sa isang healthcare professional. Sisikaping alamin ng doktor ang pinagmulan at uri ng fungal infection sa pamamagitan ng pagsusuri sa iyong kuko at pagtatanong sa iyo tungkol sa mga sintomas nito. Maaari ding gupitin ang iyong kuko upang masiyasat ang ginupit na bahagi sa microscope o maipadala ito sa isang laboratoryo.
Doc) Aklat Ng Manggagamot
Hindi madaling gamutin ang mga fungal nail infection at madalang na mawala ito nang hindi nilalapatan ng lunas. Maaari itong lumipat sa ibang kuko kung hindi ito gagamutin.
Ang isa sa mabisang paraan ng pagpatay ng fungi sa kuko ay ang pag-inom ng gamot na nireseta ng iyong doktor. Kung malala naman ang impeksyon, maaaring tanggalin ng doktor ang kuko. Posible ding bigyan ka ng reseta para sa anti-fungal cream lalo na kung ang pinagmulan ng impeksyon ay athlete’s foot o ringworm.

Hindi naman mahirap iwasan ang pagkakaroon ng impeksyon sa kuko. Alagaan mo lamang ang iyong mga kamay at paa. Gupitin ng maayos at marahan ang mga kuko. Tandaan na ang long nails ay mas madaling mabali kesa maiksing kuko.
Mga Halamang Gamot Archives
Ang pag-aalaga ng iyong mga kuko ay ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang mga impeksyon at injuries sa mga ito. Kung ikaw naman ay nagtamo ng nail injury o infection, kaagad lumapit sa doktor upang malapatan ng karampatang lunas.We use cookies to ensure that we give you the best experience on our website. By continuing, to browse our site, you are agreeing to our use of cookies.
Hindi madalas napagtutuunan ng pansin ang importansya ng kamay at ang iba't ibang gamit dito. Mula sa paggising sa umaga - sa pagtimpla ng kape, ginagamit na ang kamay hanggang sa pagsisipilyo sa gabi. Hindi lang pang physical activity ang kamay, ginagamit din itong tool of communication, expression at emotion. Kaya kung may pain in hands and fingers, ang simpleng task ay magiging isang painful ordeal.
Ang kamay ay binubuo ng tendons, joints, ligements, ugat at buto. Sa kabuuan, mayroong 27 bones ang kamay ng tao. Ang bawat parte ng kamay ay may tsansang ma-damage kapag nagkasakit o nagkaroon ng injury at pag-ugatan ng hand pains.
Kauna Unahang Onion Harvest Festival Isinagawa Ng San Marcelino
Dahil sa dami ng trabaho ng kamay at complexity nito, prone ito sa iba't - ibang pamamaga, sakit o kondisyon. Narito ang mga karaniwang hand conditions na nararanasan ng tao:
Ang Arthritis o ang pamamaga ng isa o madaming kasukasuan ang pangunahing sanhi ng hand pain. Namamaga ang kasukasuan ng isang tao kapag ang cartilage na bumabalot sa dulo ng bato ay paunti unting nawawala na nagreresulta sa pagkikiskisan ng mga buto.
Pinaka common na nararanasan ang arthritis ng kamay sa last joint ng daliri bago umabot sa kuko. Kadalasan ding may arthritis ang kasukasuan sa pagitan ng pulso at ibaba ng hinlalaki.
Ano Ang Gagawin Sa Naipit Na Ugat?
Pwedeng gamutin ang arthritis sa pamamagitan ng gamot gaya ng Diclofenac Sodium, Meloxicam at Naproxen Sodium. Maaari ding sa pamamagitan ng steroids o surgery, depende kung gaano ito kalala.
Ito ay ang kondisyong nakakaapekto sa litid sa paligid ng hinlalaki. Masakit at namamaga ang ibabang likod na bahagi ng hinlalaki. Ito ay resulta ng irritation at pamamaga ng paligid ng litid na nagkokonekta ng wrist at lower thumb. Maaaring maiwasan ang sakit na ito kung hindi masyadong i-overuse ang paggamit ng wrist at thumb ng sabay.
Maaaring gumamit ng ice pack para maibsan ang sakit o di kaya uminom ng mga over-the-counter pain relievers. May mga kaso ng De Quervain’s tenosynovitis na nangangailangan ng surgery.
Question And Answer: Sakit Sa Balakang
Ang Carpal Tunnel ay ang makitid na daanan ng ligament at buto sa may bandang palad. Sa tunnel na ito dumadaan ang median nerve - ang nerve na tumatakbo mula sa foream hanggang sa palad ng kamay, at mga litid na responsable sa pagglaw ng daliri.
Nagkakaroon ng Carpal Tunnel Syndrome o CTS kapag ang median nerve ay naiipit ng masikip na carpal tunnel. Ang pagsikip na ito ay resulta ng pagkapal ng mga irritated o inflamed tendons.

Ito ay isang kondisyon na pinaniniwalang sanhi ng sobrang pagtatrabaho ng kamay. Karaniwang may ganito ang mga taong nagttrabaho sa opisina, waiters at construction workers. Ang mga taong may magulang na mayrong CTS ay posibleng magkaroon din nito.
The Torian Warriors
Mabagal ang paglabas ng mga sintomas ng Carpal Tunnel Syndrome at iba-iba depende sa kondisyon. Ilan sa mga karaniwang sintomas ay ang mga sumusunod:
Ang gamot sa CTS ay depende kung gaano ito kalala. Isa sa mga pinakamabisang paraan para magamot ito ay paghinto sa paggawa ng mga aktibidad na nakakapagpalala ng sintomas. Madalas ding gumagamit ng lightweight, molded plastic wrist splint para sa suporta ng kamay at wrist kapag ito ay naka-neutral position. Maaari ding uminom ng mga mild pain medications o di kaya ay gumamit ng cold packs.
4. Iwasang i-bend ang wrist lalo na kung natutulog dahil naiipit ang mga nerves at maaaring makaramdam ng pagkamanhid sa umaga. Panatilihing diretso ang wrist kahit tulog. Mainam na ilagay ang kamay sa ibabaw ng isang unan (hindi sa unan na hinihigaan).
Karaniwang Mga Problema Habang Buntis
5. Ugaliing i-ehersisyo ang kamay para maiwasan ang wrist pain, wrist injuries at hand muscle pain. Maraming simpleng hand and wrist stretches na maaaring gawin kahit na nasa opisina. Kahit ang simpleng pag-shake ng kamay ay exercise na din. Gaya ng ibang ehersisyo, magandang kumonsulta muna sa doktor kung ano ang safe at pwedeng gawin lalo na kung may injury o dating may injury.Isang araw, naramdaman ni Johanna Ramos, 54, na may sumakit sa kanyang batok. Maya-maya ay dumaloy ang sakit pababa sa kaliwa niyang braso. Agad na pumunta si Johanna sa emergency room ng isang kilalang ospital sa Alabang. Kinakabahan kasi siya baka atake na ito sa puso.
Sa ospital, pina-ECG siya upang suriin ang kanyang kalagayan. Pagbalik ng kanyang resulta, normal ito at wala siyang problema sa puso. “Naipit ang ugat mo sa leeg, ” wika ng doktor.

Natuwa si Johanna dahil wala pala siyang problema sa puso—ngunit sa kabilang dako ay nahirapan din siya, dahil sa patuloy niyang iniindang sakit. Marami siyang sinubukan na paraan upang mapawi lamang ang sakit. Nagpunta siya sa
Halamang Gamot: 17 Halamang Gamot Sa Pilipinas Para Iba't Ibang Sakit
Makalipas ang apat na taon, patuloy pa din na naghahanap si Johanna ng solusyon sa kayang naipit na ugat. Hanggang sa isang araw, narinig niya sa radyo si Dr. Bibiano “Boy” Fajardo, ang pangulo ng Association of Traditional Health Aid Givers Philippines, Inc. (ATHAG) na nagsasalita tungkol sa tradisyonal na Hilot. Naging interesado si Johanna at nagpa-iskedyul